Thursday, March 02, 2006

Pelikulang Pinoy: Basura ba?

NOTE: This was something we had to submit for a course back in college. Obviously, we didn't take it seriously. Still aced it though.

Mula sa mga forum sa Internet hanggang sa mga aklat, peryodiko at mga kritiko, marami ang nagsasabing nawawala na ang kalidad ng mga pelikulang Pilipino. Noon lamang Manila Film Festival noong 2004, sinasabing natambakan ng pelikulang Spiderman 2 ang lahat ng mga pelikulang naipasok sa FilmFest at matindi ang pagkakadismaya ng mundo ng showbiz. Masasabi ba nating tapos na ang panahon ng pelikulang Pilipino?
Isina-Tagalog mula sa akda ni C.A. Remollino (2003) na Today’s movies and the Young:
“Ano na ang nangyari sa industriyang pelikula natin? Bakit, sa halip na ipinagmamalaki ang katapangan at mabutimg asal, at sa halip na ipalaganap ang mental, emosyonal at political na pag-unlad, an gating mga produser ay sa kabilang direksyon nakatanaw?
Ang nauuso na ngayon ay ang mga pelikula tungkol sa krimen at iba pang paglabag sa moralidad at sa kasamaang palad, mukhang ito ay tinatangkilik ng mga kabataan.”

Bilang pagtatapos sa akda ni Remollino, sinabi niya sa kanyang aklat na:
“Ang layunin ng paggawa ng pelikula ay mapalawak ang kaisipan ng manonood at hindi lamang upang kumita ng salapi.”

Kung babasahin nating maigi, sinasabi ni Remollino na sa kasalukuyang panahon, ang mga mamemelikula ay hindi na gumagawa ng pelikulang de kaledad, kundi gumagawa lamang ng pelikula upang kumita.

Dahil nasakop ang Pilipinas ng mga dayuhan pagkatapos pa lamang ng pagkalaya mula sa mga Kastila, di na nakapagtataka na ang sambayanan ay mahilig sa produktong dayuhan. Ayon na nga sa kay Barth Suretsky, isang immigrante na ninirahan sa bansa, ang kulang sa pagiging maganda ng bansa ay ang pagmamahal ng mga Pilipino sa sarili nila. Sabi niya, ang mga Pilipino ay kadalasang nagpipigil kung ang isang ideya ay naisip ng isang kababayan subalit kung ito ay naisip ng dayuhan, ito ay isang magandang ideya, masama man ito o hindi.

Nakakalungkot isipin, ngunit totoo. Maaari bang ang matagal na pagkakabihag ng bansa sa kamay ng mga dayuhan ay ang dahilan sa din a siguro mawawalang colonial mentality nito?

Ayon na rin kay Lino Brocka (1975), ang ambisyon ng mga mamemelikula ngayon ay gumawa ng isang obra upang kumita, sa halip na baguhain ang masa o bakya crowd at gawin silang isang kritikong pangkat ng manonood na marunong umunawa ng magandang pelikula at tumaggi sa mga pelikulang basura lamang.

Ang isa pang aspeto ng pagkakaiba ng pelikulang lokal at banyagang pelikula ay ang ideya ng special effects. Sa ibang bansa, pinagkakagastusan ang mga ito at sinisigurong mamamangha ang manonood. Sa kabilang palad, mahirap mang aminin, sa pagkatagal-tagal na panahon ay ang pinakamalapit nating deskripsyon ng special effects ay ang tinatawag na LLC o Lito Lapid Cars. Puro lamang paulit-ulit na pasabog at tila madaling hulaan ang mga pangyayari sa mga kwento n gating mga palabas. Kung ito ay drama, aapihin ang bida at magkakatuluyan pa rin sa banding huli. Kung ito ay aksyon, tila laging may leading lady ang bida at lagi itong nananalo sa banding huli. Ang masamang epekto nito ay tila apathetic ang mga Pilipino sa pagbagsak ng industriya nating ito.

Sa kabutihang palad ay mayroon nang mga mamemelikula ngayon na naglalayong mapaunlad ang kalidad ng pelikulang Pilipino at pilit na pinapantayan ang kalidad ng mga dayuhang pelikula. Sa paglipas ng panahon, sana ay mailagay sa mapa ng showbiz ang Pilipinas.

3 comments:

  1. Anonymous10:41 AM

    bakit hindi:)

    ReplyDelete
  2. Anonymous7:19 PM

    Saan po nakaka-avail ng librong "Today’s Movies and the Young"? Thank you po and God bless! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Heya. Sorry, hindi ko po sure e - yung kopya na nakita namin ay galing sa UST Library.

      Delete