Thursday, March 02, 2006

1017

First time ko po magpost...

Kanina e nagturo sa amin ang professor namin sa RC (Rizal Course) galing UP at ex-aktibista. Napaniwala ako sa sabi niya na ang pag-sali sa mga rally ay pawang pagkita lamang ng pagreklamo ng tao sa ka*!@##* ng pamahalaan (oo nga no!) at pagkita rin sa matinding dependence ng tao sa pamahalaan.

Ayon sa pagkakaintindi ko (na ginawa ko habang naglalaro ng cellphone at kumakain) ay dahil demokratikong bansa tayo ay tayo rin ang nagluklok sa mga opisyal natin. Sa pagboto ng karamihan (HINDI LAHAT)ay pawang tayo rin ang may kasalanan ng nangyayari sa atin dahil binigyan natin ng kapangyarihan ang mga taong wala namang magawang matino sa mga kapangyarihang ito.

Bilang pagtatapos, sinabi niya na kung walang magawa ang pamahalaan mo para sa iyo, pilitin mo na lang na may magawa ka para sa sarili mo upang tumino nang kaunti ang bayan mo. Iyon daw ang dahilan kung bakit hindi na siya dumadalo sa mga rally at mga gawain ng mga aktibista.

Opinyon lang po niya iyon at marahil ay medyo opinyon ko na rin at dahil demokratikong bansa tayo and naniniwala kaming hindi kami mababaril sa Luneta sa pagsabi nun.

Blahblahblah!!!

No comments:

Post a Comment